ang thread na ito ay para sa mga newbies, if feeling mo di mo na 'to kailangan, 'wag mo na basahin dahil hindi ito para sa'yo.. if wrong board, saan ko pa ba to pwede ipost? Hindi pwede sa ubt/fbt help and support dahil matatabunan lang 'to agad.. Wala na ding kwenta..
Ginawa ko ang post na ito para sa mga newbie na hindi familiar sa mga terminologies na ginagamit sa UBT/FBT.. If ito po ay repost o walang kwentang topic.. Paki inform po ako mga bossing na moderators..
one of the oldest trick na isinilang sa ubt/fbt world.. From the term "@ trick", ginagamit ang @ para makakonekta sa net.. Usually ang basic format nito ay freesite@website
Ex:
>m.olx.ph@google.com
>m.olx.ph@server4.operamini.net
Access Point/s
configuration settings ito ng network na ipinapadala sa mga internet capable phones. Ito din ang ineedit upang magamit ang mga tricks. Karaniwan na ang ineedit dito ay ang proxy server address at port.. Sa mga s60 nokia phones matatagpuan ang access points sa settings>
connection settings>
access points
APN
short term for Access Point Name.. Nasa settings ito ng access points..
Ex:
http.globe.com.ph
minternet
internet
Built In Browser
sa term na "built in" ibig sabihin included na ang browser na ito sa phone nung binili, kasama na sa software ng cellphone..At nagsisilbing default browser.. Sa mga nokia phones, ito yung may name na "WEB" at may icon na mundo/globe
CGI
(Common Gateway Interface) standard protocol for interfacing external application software with an information server, commonly a web server.. Lalim ba? kaya i will give examples na lang para makilala nyo ang CGI. Ginagamit ang trick na ito sa server ng browser at pwede ding gamiting pangdownload. Here are the examples:
sa second example may url na nakalagay, doon inilalagay ang website na gusto mo puntahan o ang directlink ng gusto mo idownload..
Dot Trick
Trick na gumagamit ng tuldok.. Hindi ko alam kung working pa ito.. The basic format sa pagamit nito ay ganito freesite.website
Ex:
m.olx.ph.google.com
m.olx.ph.server4.operamini.com:80
Emulator
something na kayang surpass ang network.. Ganito lang kasimple, magbibigay ako ng example base sa mga nakita at nabasa ko na kung ano daw ang emulator, here are some of the emulators:
m.olx.ph.t9space.com/power/m/http/place url here
kadalasan, may term na cgi emulator.. CGI naman ang ginagamit doon.. Eto ang basic format ng mga emulator:
>freesite.phonifiersite/website
>freesite@phonifiersite/website
example ng phonifier/proxy site ay t9space.com/power/m/http/
FBT
(also known as Free Browsing Technique) same as UBT, ginagamit ito ng mga kuripot magload para maaccess ang web/wap ng walang bayad.. Oo, walang bayad..
Freesite
freesite, libreng site, ito yung mga site na pwede mo i-access gamit ang phone mo kahit wala kang gamit na trick, at ang mga ito ang nagsisilbing portal para makagamit ng trick..
HTTP protocol
default protocol ng web ito.. bawat send mo, saka ka lang makakareceive.. Kung kelan ka nagrequest, saka lang may dadating.. Yan ang pinakasimpleng depinisyon nyan.. Kapag nagclick ako, magsesend ng data, and saka pa lang ako makakatanggap ng data, give and take lang, give muna bago take..
IP
(Internet Protocol) also known as PROXY SERVER ADDRESS.. Kadalasang tawag dito ay PROXY..Ito yung mga numero na ganito ang format: 10.10.10.10
no need to explain in technical terms, kung ano lang ang gamit.. Yun lang ang ibibigay ko. ang mga numero po na yan ang inilalagay sa access point settings natin, specifically, sa proxy server address..
IP trick
trick na kung saan ginagamit ang website na gusto mo puntahan bilang IP.. halimbawa, gusto ko magbrowse sa pinoyden.com, ilalagay ko sa IP/proxy server add ng access point ko ang pinoyden.com at coconnect ako sa isang freesite gamit ang opera 8.65 or built in browser
KATAY
ginagamit ng mga kuripot gang na word kapag wala na ang isang trick, "nakatay na ang tutut trick"
PORT
lagi itong kasama ni IP/proxy, examples nito ay: 80, 3128, 8080, 1080
PHProxy
sa trick na ito, gumagamit ng PHProxy para makaconnect, pwedeng gamitin sa built in or Opera 8.65.. IP trick din ito, ginagamit na proxy ang IP ng mga phproxy sites.. Sa ganitong paraan nagkakaroon ng redirection.. Kunwari gusto mo gamitin ang scarcup.com as phproxy, ilalagay mo sa settings ng access point mo as proxy ang scarcup.com or ang numeric value nito.. At gagamit ka ngayon ng opera 8.65 or built in at coconnect ka sa ganitong format:
freesite/dahr.php
mareredirect ka ngayon sa isang phproxy site.. Na may box kung saan itinatype ang url na gusto mong puntahan, parang sasakyan ang mga phproxy, sila ang tagahatid o tourguide mo sa www..
Proxy
please refer to IP definition
lahat ng sample ay hindi totoong trick