Pinoy FBT 2012!

Operamini Free Internet Guide
by KINGHARI



Guide ito sa mga nais mag FBT/UBT gamit ang Opera Mini. Pwede rin ito sa mga nakakapagpagana na; para kapag isang araw eh bigla ka na lang hindi makaconnect eh alam mo mga dapat i-check. Ang pinakadahilan ko sa paggawa nito ay para maiwasan ang kanya kanyang gawa ng thread para humingi ng tulong. Nga pala, sa mga nagsisimula pa lang, ang ibig sabihin ng FBT ay Free Browsing Trick/Technique at ang UBT ay Unlimited Browsing Trick/Technique. Ang OM ay abbreviation ng Opera Mini.

HERE ARE THE STEPS

    Please read at least two times para matuto na rin po tayo. Read all the steps kasi lahat po ay mahalaga. Feel free to post kung may hindi maintindihan. Basta dapat tandaan na tatlo ang importanteng requirement: SIM na activated for internet use, access point settings sa phone, at Opera Mini na may working trick (pwedeng built-in yung trick or manual nyo ilalagay, depende sa kinuha nyo na operamini). Kapag di masunod ang kahit isa man dyan, hindi talaga gagana.

1. ACTIVATED SIM FOR INTERNET USE
Problema sa old sims dahil hindi sila makakunek sa http.globe.com.ph at internet na access point names. Kaya bili na lang ng bago or humiram muna ng sure na working sim para matest muna bago bumili.

    Red Mobile

        Preactivated na ang sim na ito kaya ready for internet use pero dapat 3G capable ang phone mo kasi 3G powered ang sim na eto.

    Sun

        Preactivated na yung Super Combo sim, yung may price tag na P39. Pati yung sim na may price tag na P59. Paalala lang na selected areas lang ang internet sa sun. Kahit may load ka kung di talaga pwede sa area mo eh hindi ka makakapag internet. (SIM price may vary).

    Smart

        Preactivated na yung mga bagong sim na Smart Buddy Quick access sim/Smart Buddy Browser sim.

    Globe

        Preactivated na yung Starter/Tatoo sim. Pati rin yung mga bagong Extreme memory sim.

    Kapag ok na sa sim, punta na sa next step.

2. CONFIGURATION SETTINGS/ACCESS POINT SETTINGS
Kelangan i-edit o gumawa ng new access point para mailagay ang proxy at port na nirerequire ng isang trick. I-click lang yung phone type mo under the phone brand para makita kung paano i-set up ang unit mo.
Note:

    Hindi lahat ng unit ay present po dito. Baka mapuno itong thread kung ireresearch ko po lahat. May mga magkakapareho naman ng setup kahit ibang model sila. Pero kung wala talaga, I would advise na kumuha kayo ng internet capable na sim. Kapag sinalpak kasi yun, automatic na magkakaroon ng access point configuration ang unit. Ang gagawin nyo na lang eh i-edit yung access point settings na yun at ilagay yung required na proxy and port sa trick na gagamitin sa OM.


NOKIA
***For windows mobile phones, try THIS THREAD

    Nahahati ang nokia units sa dalawang general types: S40 or S60. Kung hindi sya S40, for sure S60 yan. Pero marami versions ang S60. Just click your phone type below para sa instructions sa pag set-up.

        Paano mo malalaman kung S40 o S60 ang nokia phone mo?

        Mahirap kasi maghagilap ng kumpletong listahan kasi ang dami nagsisilabasan na bago. Para madali, ganito na lang: S40 yan kung meron syang "received files" na folder sa gallery. Or, kapag nagbluetooth ka ng file papunta sa unit mo at napunta sa "received files" na folder, S40 sya. Kapag napunta sa inbox naman yung file bilang message, S60 naman sya. For other specs ng unit mo, lalo na sa OS version kasi may mga tricks na ayaw sa ibang OS version, punta lang sa www.gsmarena.com at i-type mo lang yung phone model sa "quick phone search" na box then click yung arrow sa tabi nya. Kapag nagload ang page, makikita nyo na phone specs. Minsan, may magkakaparehong unit numbers kaya dapat i-click pa yung talagang unit mo.

            Nokia S40
            Nokia S60v1 to v3
            S60v5
            E-Series

 SONY ERICSSON
   
These settings may vary in some Sony Ericsson models. Bale apat ang settings na listed for different models. Tignan na lang kung ano ang appropriate para sa SE unit na hawak.

    Generic SE phones
    SE A200 phones
    SE UIQ Models
    Vivaz, Vivaz Pro, and Satio (SE S60v5)

SAMSUNG

    Samsung Star/S5230W/S5233W
    Samsung SGH - E250

    MOTOROLA

        Motorola V3i

    LG

        LG KP500 Cookie

    China Phones/Myphone


        Java Capable China phones


3. OPERA MINI
Pumili ng version at screen resolution na compatible sa unit.

    Resolution
    Sample resolutions ay 240x320, 320x240, 176x200, 176x208, at 128x160. Yung mga dimensions na yan, yung unang number eh width, yung pangalawa eh height. Para makasiguro sa screen resolution, check mo na lang sa www.gsmarena.com ang specs ng unit. Type mo lang phone model sa "quick phone search" na box then click yung arrow sa tabi nya. Kapag nagload ang page, makikita nyo na phone specs. Minsan, may magkakaparehong unit numbers kaya dapat i-click pa yung talagang unit mo. Kung walang available na OM para sa screen size mo, pumili nalang ng pinakamalapit sa screen size ng unit mo.

    Opera Mini version
    Maaring gumana sa unit mo ang iba’t ibang version ng OM. Pero may version talaga na mas appropriate para sa unit mo. Yung OM4.2 ang sa tingin ko ang pinaka-universal sa ngayon. Pwede sya sa halos lahat ng units. May kinalaman din kasi ang trick dyan kaya hindi gagana ang ganung version ng OM sa ilang units. Kaya ang mabuti dito ay itanong sa provider ng trick at OM kung pwede ba yun sa unit mo. Huwag magdownload/install na lang basta ng OM. May mga phones like yung ibang models ng motorola at samsung na kailangan pa ng jad file para mainstall ang OM. Hindi masama ang magpost at magtanong. Pwede na rin kayo magtanong dito mismo. Sa mga touch screen phones, recommended dyan ang OMbeta2. Para sa china phones naman, dapat eh yung modded OM ang gamitin, huwag yung editable versions. Sa mga old nokia S60 phones (S60v1) try to search for working lower versions ng OM.

Here are links to modded OMs (may built-in trick na po mga yan kaya wala na kayo iintindihin pa sa paglagay ng trick. Just click the name of the author.)

    OM 4.2:

        by Ciakirabog
        by Ragefire09
        by Atheniankid

    OM 5final:

        by Ragefire09
        by Atheniankid
        by Shiangtao (multiop)

    Para sa mga Nokia users:
    Additional steps ito after installing the OM para makasiguro ka na wala na problema.

        For Nokia S40:

            Puntahan yung OM. Huwag muna buksan, just highlight it. Press OPTIONS> APPLICATION ACCESS> COMMUNICATION> then sa NETWORK ACCESS at CONNECTIVITY, i-set mo sa ASK FIRST TIME. Kung hacked ang phone mo, sa ALWAYS ALLOWED mo i-set. Then sa OPTIONS ulit> APPLICATION ACCESS> DATA ACCESS> READ/WRITE USER DATA> set mo sa ASK EVERYTIME. Kung hacked ang phone, set to ALWAYS ALLOWED. Gagawin ito para mawala yung annoying prompts everytime na nagcoconnect ka sa internet.

        For Nokia S60:

            Punta sa PHONE MENU> TOOLS> APPLICATION MANAGER> highlight yung installed na OM, click OPTIONS> SUITE SETTINGS> then i-set mga queries dun sa ASK FIRST TIME. Kung di pwede, sa ASK EVERYTIME na lang. Kung hacked ang phone, set sa ALWAYS ALLOWED.

4. APPLYING THE TRICK
Ito na yung part na maglalagay kayo ng trick sa OM. Para ito sa mga gumagamit ng Editable server OMs or Handler mod OMs. Dependent na ito sa kung anong trick ang available and at the same time eh working. My mga OM pero na di na kelangan pa lagyan ng trick. Ito yung mga MODDED na para magwork sa isang network. Kaya mas mabuting magtanong sa pinagkuhanan ng OM.

    Heto mga working tricks sa ngayon: (just click the name of the trick)
    GLOBE

        IP TRICK (will work on almost all phones)
        SPACE TRICK (will only work on Nokia S60 and Sony Ericsson Symbian OS phones)

    SMART

        IP TRICK (will work on almost all phones)

    Kapag ok na lahat ng entries sa OM, click OK at start na yan to install kung di pa sya installed. Kapag nag-error, exit then try again. Do this for around 3 times. Kapag ayaw pa rin, re-check mga settings ng phone at entries sa OM. Baka kasi may na-misspell lang o nakalimutan. Kapag nainstall na, ibig sabihin eh may FBT/UBT ka na gamit ang OM. Kung gusto mo pero mapadali ang installing, magload lang ng 5pesos (kung globe) or 10pesos (kung smart, sun, at red mobile) saka i-connect. Kung di nakaconnect kahit may load, may mali sa settings kaya re-check ulit ng mabuti.

5. TIPS and REMINDERS

        * Siguraduhin na bago ka mag-internet eh below 10pesos ang load mo kung smart, sun, or red mobile ang gamit mo. At dapat eh may at least piso na load. Sa globe, pwede kahit zero load pero dapat eh below 5pesos ang load para di kainin ang load kapag nag-internet na.

        * Kapag di ka makaconnect, minsan nakakatulong ang pagrestart ng phone. Try nyo rin magswitch to GSM mode or UMTS mode lang (applicable lang sa 3G capable handsets). Based on my experience kasi, may areas na di gagana internet kung GSM mode lang yung phone. May mga areas naman na ayaw kung naka UMTS mode yung phone. So try switching modes. Makikita yan sa Phone Settings. Kalikutin na lang kasi paiba-iba sa bawat handset. Try to check your balance also, baka COS ka na pala (para sa smart, red mobile, at sun)

        * Maki-update sa pinagkuhanan mo ng trick para kapag di ka makaconnect eh itanong sa author kung working pa ba yung trick o hindi na. Huwag gagawa ng thread para magtanong lang. Para mapadali ang pakiki-update, magpost sa thread na pinagkuhanan para automatically subscribed ka na sa thread. Gamitin na lang ang forum jump sa baba ng screen at puntahan mga subscriptions.

        * Kung walang paraan para maki-update at akala mo’y nakatay na ang trick na gamit mo, ganito gawin mo, pumunta sa default/built-in browser. Make sure na sa settings ng built-in browser eh yung default settings na galing sa network ang nakaset as default settings. Then go to the Homepage. Dapat makapasok ka dyan. Kapag nakapasok ka sa Homepage ng network, maaring katay na nga ang trick. Kung gusto mo makasiguro, magload ka at magconnect. Kapag nakaconnect, nakatay na nga yung trick. Pero observe pa rin ng ilang araw. Pero kung di mo matiis, dalaw sa site at maki-update baka may new trick na ulit.

        * Kelangan may alam kayo na at least 2 working tricks gamit ang magkaibang network. Para may option pa kayo just in case na nagkatayan ng tricks sa isang network at may magamit kayo na pang FBT/UBT kesa naman pupunta pa kayo ng computer shop.





0 comments to "Operamini Free Internet Guide"

Post a Comment

Proudly Pinoy!Get our toolbar!

Labels